Thursday, June 12, 2008

My Freedom

Dear All,

I know that most of my readers here in my blog are English- speaking. But as most of you know, I was born and raised in the Philippines. Today is June 12th. 110 years ago, we had our independence from Spain. For today's post, I will take a break from my usual writing language. I will write in my own tongue, Filipino (or Tagalog). It is only fitting to give tribute to the heroes who have died for us so that we can have the freedom we have today. Without this freedom ,I don't think I'll be here. Without the freedom I won't be able to do what I love. Without love I won't be able to teach the sport that I am most passionate about. This is a special day for me and my people. Long live the Philippines!


ANG AKING KALAYAAN

Ngayong araw na ito ay ating ipinagdiriwang and araw ng ating kalayaan. Kakagaling ko palang sa isang kainan. Linibre ko ang aking pamilya dahil ngayon ang araw ng ating kalayaan. Marami na sa atin ang nakalimot. ngunit ako, pilit kong inaalala ang dahilan kung bakit tayo naririto. Mayroong tayong kalayaan dahil sa ating mga ninuno.

Hindi natin tradisyon ang magdiwang ng araw ng kalayaan. Isa lamang itong holiday sa ating bansa. Hindi natin masyadong natatanto ang tunay na kahulugan nito. Ngunit bakit ako nandirito at isinisigaw sa buong mundo ang aking pagka- Pilipino na buong malaya? Isa lamang ang dahilan, ganito ako at wala itong ipagbabago. Mayroon ding mga taong nakakapag-isip ng katatawanan sa tuwing malaya kong ipinagsasabi ang aking pagmamahal sa aking lahi at bayan. Ang masasabi ko na lamang ay "hindi nila alam ang nilalaman ng aking kalooban". Mahal ko ang aking bandila at handa akong mamatay para dito.

Bakit ko naman isinusulat ito sa aking boxing blogspot? Ito ay isa sa aking pamamaraan upang lumago ang aking munting negosyo dito sa Estados Unidos. Ang post na ito ay marahil hindi makakatulong dahil hindi naman ito tungkol sa boksing. Pero inilalagay ko pa rin dito dahil sa aking walang kamatayang pag-ibig sa aking bansa, walang kokontra!

Nagsimula akong makipagsapalaran sa Estados Unidos pagkatapos ko ng kolehiyo sa Pamantasang De La Salle (ANIMO!!!) noong 2004. Matatagal tagal na rin akong hindi nakauwi sa piling ng aking pinagmulan. May mga araw naman na naisip ko na sana nasa Pilipinas ako. Iba pa rin talaga kung ika'y nasa sarili mong bansa. Bago ako umalis ng Pilipinas, madaming naglalaro sa isip ko na mga "agresibong pamamaraan ng pakikibaka". Galit, galit, puro nalang galit. Pero sa ngayon, nagbago na ang ihip ng hangin. Ang naglalaro sa isip ko ay mga makabagong pamamaraan ng pakikibaka--- ang pamamahagi ng aking lakas, talino, sipag, tiyaga at kakayahan para sa nakararami! Sa aking paniniwala, sa ganito mabibigyan ng respeto ang Pilipino.

Sa maliit man na paraan ay iaalay ko sa Pilipinas kung ano man ang mayroon ako. Ang Train Like a Boxer System ay likha ko, isang Pilipino! Sariling- atin ito kahit na sa ngayon ay ito'y nasa Estados Unidos. Darating din ang panahon na lalago ito at kasama ang bawat Pilipino sa pag- unlad natin lahat. Sa maliit man na paraan ay nais kong makatulong sa ating bayan. Hangad ko na sa pagdating ng panahon, makikinabang din ang Pilipino.

Para sa Pilipinas ang aking buhay at kakayahan. Kung kayo'y sumasang- ayon sa ganitong kaugalian Mabuhay kayo! Sana ay kayo rin, handa ninyong ialay ang lahat para sa bansa at lahi ninyo. Sa maliit man na paraan, maitataguyod natin ang isang malaya at mas maunlad na Pilipinas. Ang Pilipinas ang lugar ng aking mga ala- ala at ang tahanan ng ating lahi. And Train Like a Boxer ay Pilipino, likha ng Pilipino, at para sa Pilipino! Ito ay aking kontribusyon sa mundo at maliit man ito, madaming natutulungang tao. Sana ay kayo rin ay maging bahagi nito sa pamamagitan ng pagkakalat sa sistemang ito.

MULI, MASAYANG ARAW NG KALAYAAN SA INYO! MARAMING SALAMAT SA INYONG PAGBABASA AT MABUHAY TAYONG LAHAT! MABUHAY ANG PILIPINAS!!!

0 comments: